Thursday, September 14, 2006

Sira, Dami, Asa

Sira...

Unang-una sa lahat, nasira po ung cellphone ko. Nag-lowbatt lang siya nung sunday then bigla na lang namatay. Tapos hindi na siya nag-charge at hindi na rin siya nag-open. Nung tuesday, pumunta ako ng Greenhills para ipaayos ung phone ko. Ung mama sinisingil ako ng P 800. Nabigla ako sa price! Sa sobrang pagkabigla ko, nasabi ko kay manong na P 400 pesos lang ung dala ko (pero actually P 1 200 ung dala kong pera). Siyempre ayaw pumayag ni manong. Ang sabi niya "mura na nga ang 800. Ang talagang singil diyan ay 1000." Pero kahit yon ang sinabi niya, 400 lang talaga ang binigay ko. Sabi ko wala talaga akong pera (in a nice manner siyempre para mukhang makatotohanan) Tapos un... inayaos na nila.

Kinabukasan, natuklasan ko na nasira ung camera ng phone ko pagkatapos ireprogram. Bumalik akong Greenhills kahapon kaya lang nasaraduhan na ako.

Dami...

Sa sobrang dami ng ginagawa ko, wala tuloy akong oras bumalik ng Greenhills. Pero try ko pa rin sa Sunday.

Speaking of maraming ginagawa... Si Sir Dagbay (Prof namin sa instrumental Analysis) konting chapters lang pala ung required niyang ituro. Pero addict siyang magturo, Lagpas 20 chapters ang kanyang itinuro. Kaya yun, dugung-dugo kaming lahat. Tapos lately, nalaman ko na ung Instrumental Analysis pala namin ay pinagsamang Organic Chemistry 3, Analytical Chemistry 2, at Instrumental Analysis itself!

Asa...

Last day na bukas. Hanggang ngaun hindi ko pa rin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Paano na kaya next week? Paano pa ung sa next term? Aasa pa kaya ako???

Pakiramdam ko isa akong kandilang unti-unting nilalamon ng apoy habang patuloy na umiikot ang mundo.

tatagal pa kaya ang aking kandila????

0 Comments:

Post a Comment

<< Home